P1.7 billion na pondo, naipamahagi sa higit 135,000 na miyembro ng SSS na walang trabaho

Aabot sa mahigit P1.7 billion unemployment benefits ang naipamahagi na sa 135,814 mga miyembro ng Social Security System (SSS).

Mula sa P177 na milyon nitong 2019, tumaas ng siyam na beses ang naipamahaging pondo sa mga walang trabaho na miyembro ng ahensya.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, tumaas ang bilang ng mga nawalan ng trabaho ngayong pandemya kaya’t dumami rin ang naghanda ng aplikasyon sa ilalim ng programa.


Isa ang unemployment benefit sa mga landmark ng 2018 SSS Law.

Facebook Comments