Bagong COVID-19 variant na nakita sa isang Hong Kong resident, posibleng hindi sa Pilipinas nagmula

Nilinaw ng OCTA Research Group na hindi pa tiyak kung nasa Pilipinas na ang bagong COVID-19 variant na B.1.1.7 na mula sa United Kingdom matapos magpositibo ang isang Hong Kong resident na nanggaling sa Maynila.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research, hindi masasabing dito sa Pilipinas nanggaling ang virus dahil posibleng nakuha ito ng nasabing residente sa airport sa Hong Kong.

Aniya, posibleng maging pangunahing dahilan kung paano makakapasok sa bansa ang COVID-19 variant ay dahil sa mga umuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) mula UK.


Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Department of Health (DOH) sa mga otoridad sa Hong Kong para makuha ang iba pang detalye tungkol sa nagpositibong kaso kasama na rin ang flight manifest ng PR300 flight.

Facebook Comments