Posibleng makaranas pa rin ng panibagong Coronavirus waves ang India kahit mapababa nito ang kasalukuyang kaso sa bansa.
Ayon sa Indian government official, kinakailangan ng India na magkaroon ng sapat na suplay ng oxygen para malabanan ang surge.
Pinapakiusapan na rin ng India ang Estados Unidos at iba pang mga bansa na paluwagin ang restriction sa pag-export ng raw materials para sa paggawa ng remdesivir and tocilizumab.
Ang India, na pinakamalaking generic drug maker sa buong mundo, ay ang major supplier ng remdesivir noong nakaraang taon pero nagbawas sila ng produksyon nang mapababa ang sarili nilang kaso.
Facebook Comments