Jessy Mendiola, buntis na??

293

Mistulang nagpahiwatig ang actor-host na si Luis Manzano na buntis na ang kanyang misis na si Jessy Mendiola.

Kasunod ito ng samu’t saring litrato ng nakakatakam na kamias at mangga at mga sawsawan gaya ng bagoong isda, alamang at asin na ibinahagi ni Luis sa Instagram.


Mas lalong naghinala at na-excite ang netizens nang i-congratulate si Luis ng isang kaibigan kung saan nagsalamat naman ang aktor.

Wala pa namang kumpirmasyon ukol dito ang mag-asawa.

December 2020 nang ma-engage sina Luis at Jessy habang nito lang Abril nang kumpirmahin ng dalawa na ikinasal na sila noong February 21 sa isang resort sa Batangas.

Facebook Comments