Makati City – Paalala sa mga kabataan sa Makati City, lalo na sa mga magulang.
Aprubado na ng Makati City government ang pagpapatupad ng bagong curfew ordinance para sa mga menor de edad.
Sa ilalim ng city ordinance no 2017-098 o “The Child Protection Ordinnace of the City of Makati” bawal nang gumala sa labas ang mga kabataan mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga.
Kapag nagkataon, magulang o guardian ng mga pasaway na kabataan ang mananagot.
Sa unang paglabag, aalisin ng lokal na pamahalaan ang benepisyong ibinibigay sa mga magulang. Dalawang-libong multa o parusang pagkakakulong naman ng limang araw para sa second offense.
Exempted naman sa curfew ang mga menor de edad na may kasamang magulang, nasa gitna ng emergency, pauwi galing trabaho, eskwelahan o anomang religious activity basta magpakita lang ng certificate of attendance.