Bagong DENR chief, na ngakong ipagpapatuloy ang mga nagawa ni former Secretary Roy Cimatu sa kampanya ng pangkapaligiran

Tiniyak ng bagong Officer-In-Charge (OIC) at Secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Jim Sampulna, na ipagpapatuloy niya ang mga mahahalagang programa at proyekto sa kapaligiran ni dating kalihim Roy Cimatu hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sampulna, ipagpapatuloy niya ang napasimulang proyekto sa pagpapanumbalik ng Manila Bay at ang tagumpay sa Boracay Island rehabilitation.

Si Sampulna ay dating undersecretary for attached agencies, mining, at Muslim affairs bago ito maitalaga bilang OIC ng DENR.


Nilinaw niya ang isyu tungkol sa open-pit mining matapos tanggalin ang ban nito sa pamamagitan ng Executive Order 130.

Aniya, patuloy ang monitoring ng mining operations na isinasagawa ng national government, mga komunidad na malapit sa minahan at ng napakahigpit na Mining Industry Coordinating Council.

Facebook Comments