Aminado si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nahihirapan siyang pumili ng bagong kalihim ng Department of Education o DepEd.
Matatandaang sinabi ng pangulo na iaanunsyo niya ang papalit kay Vice President Sara Duterte-Carpio bilang kalihim ng DepEd bago matapos ang linggo ito.
Pero sa ambush interview ngayong umaga, sinabi ng pangulo na kailangan pa niya ng mahabang oras para pag-isipan ito.
Hindi pala aniya madali ang pagdedesisyon sa usaping ito dahil komplikado ang naturang trabaho at dapat na tignan kung ano talaga ang kailangan ng DepEd.
Isinasaalang-alang din aniya ng pangulo ang mga panawagan na dapat ang DepEd Secretary ay isang educator o kaya naman isang administrator o historical professor.
Dagdag pa ni Pangulong Marcos, wala siyang shortlist ng mga pangalan ng papalit pero may mga rekomendasyon siyang natatanggap para sa magiging susunod na kalihim ng DepEd.