Inilunsad ng Department of Tourism (DOT) ang isang bagong digital monitoring system para mabantayan ang aktibidad ng mga turista.
Ito ay bahagi ng reopening ng domestic tourism sa bansa kung saan pilot launching ang ‘tourist bubble’ sa pagitan ng Baguio City at Ilocos Region.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, layunin ng monitoring system na protektahan ang mga turista at mga komunidad sa loob ng tourism corridor.
Makatutulong din ang monitoring system sa mahigpit na inter-provincial border controls na layong tiyakin ang kaligtasan at kalusugan ng publiko sa Cordillera Region at Region 1.
Ang monitoring system ay tatawaging Visitors Information and Travel Assistance o VIS.I.T.A..
Tampok sa digital platform ang mga sumusunod na features:
- Visitor Web Dashboard: para sa account registration, travel registration, payments, QR coupon reading, at paglalabas ng travel advisories at tourism information.
- Site Portal: para sa profile registration ng tourism establishments, services at sites. Gagamitin din ito para sa check-in o check-out mechanism at centralized contact tracing database.
- Admin Interface: real-time monitoring ng visitor profiles at mga tourist sites na binisita. Naglalaman ng data analytics at advisories.
- Mobile App: mobile version ng V.I.S.I.T.A. kung saan makakatanggap ng real-time notifications.