Tinatarget na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng bagong “diskarte” para sa pangangampanya ng mga kakandidato sa Eleksyon sa 2022.
Ayon kay Comelec Commissioner Antonio Kho, ilan dito ay ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga nais na kumandidato sa halalan.
Habang paliwanag naman ni Comelec Executive Director Bartolome Sinocruz Jr., pinag-aaralan din ng Comelec na magtakda ng mga partikular na araw para sa paghahain ng kandidatura depende sa elective position.
Ilan dito ay ang mga nais kumandidato tulad ng pagka-Presidente, bise Presidente hanggang sa pagka-alkalde kung saan maaaring itakda sa ikalawa hanggang ikatlong araw ang filing.
Nililimitahan din ng Comelec ang pag-proseso ng mga papayagang makasama ng isang kandidato sa paghahain nito ng COC sa Comelec upang masunod ang health protocols dahil sa COVID-19.
Sa ngayon, ibabalik na ang operasyon ng voter registration sa National Capital Region (NCR) Plus sa ika-17 ng Mayo 17 ngayong ibinaba na ang quarantine classification sa National Capital Region (NCR).