Vaccine Czar Galvez Jr., kumpiyansa na mas magiging maayos ang Pasko ngayong taon

53

Kumpiyansa si Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na mas magiging maayos na ang Pasko ngayong taon dahil sa tulong ng pribadong sektor at ng mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Galvez, nagbigay na ng commitment ang Local Government Units (LGU) at mga pribadong sektor sa mabilis na vaccination rollout, oras na dumating na ang bultong supply ng COVID-19 vaccines sa bansa.


Aniya, nais ng pamahalaan na gayahin ang Israel na naabot na ang herd immunity dahil sa tuloy-tuloy na pagbabakuna.

Ang Israel din aniya ang nakapagtala ng pinakamataas na vaccination rate sa buong mundo.

Facebook Comments