Tuesday, March 31, 2026

Bagong expressway sa North Luzon, bubuksan ngayong araw

Bubuksan ngayong araw ang isa na namang mahalagang expressway sa Luzon, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay ang Central Luzon Link Expressway o CLLEX, na isang 30 kilometrong toll-free na kalsada na magdurugtong sa Tarlac City at Cabanatuan City sa Nueva Ecija.

Inaasahang mababawasan ng hanggang 20 minuto ang biyahe ng mga motorista at luluwag ang daloy ng trapiko sa rehiyon.

Kokonekta rin ang CLLEX sa iba pang pangunahing expressway tulad ng SCTEX at TPLEX, na magpapabilis pa sa biyahe pa-Norte.

Ayon sa pangulo, bahagi ito ng mas malawak na plano ng pamahalaan sa ilalim ng UPLIFT o Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport na nakapaloob sa Executive Order 110.

Layunin ng proyekto na palakasin ang transport sector, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis dulot ng tensyon sa Middle East.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, target ng gobyerno na gawing mas mabilis, mas maginhawa, at mas ligtas ang biyahe ng bawat Pilipino.

Facebook Comments