Binuksan na ang bagong farm to market road sa Brgy. Olea, Malasiqui matapos ang ilang buwan na konstruksyon nito mula sa dating bako-bako at maputik na daan sa tuwing sumasapit ang tag-ulan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, mula sa nakolektang excise tax ng bayan ang pondo para sa konstruksyon ng imprastraktura na may sukat na 355 meters.
Kamakailan ay pinasinayaan din ang isang barangay road sa Brgy. Bakitiw bilang rehabilitasyon at elevation mula sa development fund ng bayan.
Layunin na mas mapabuti ang Daan ng mga transportasyon ng iba’t-ibang agricultural products ng mga lokal na magsasaka bilang suporta sa kanilang hanapbuhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









