Bagong Fire Marshal ng BFP Cauayan, Nagbabala sa mga Establisyemento!

Cauayan City, Isabela- Nagpaalala ang bagong pinuno ng Bureau of Fire Protection sa Lungsod ng Cauayan sa mga may ari ng establisyemento sa lungsod na tiyakin ang pagkakaroon ng mga safety measures upang maiwasan ang anumang hindi inaasahang sakuna.

Itinalagang bagong pinuno ng BFP-Cauayan si C/Insp. Pedro Espinosa na mula sa Lungsod ng Tuguegarao at kanyang pinalitan si City Fire Marshal Aristotle Atal.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Fire Marshal Espinosa, nagpaalala ito sa mga nagmamay-ari ng mga malalaking establisyemento na tiyakin na mayroong kagamitan at sumunod sa nakasaad sa Fire Code ng nasabing ahensya.


Ayon pa kay Fire Marshal Espinosa na sa nalalapit na pagdiriwang ng kapaskuhan ay titiyakin nito na mapapanagot ang mga establisyimentong lalabag sa panuntunan ng nasabing tanggapan.

Magsasagawa naman ng surprise inspection ang BFP katuwang ang DTI upang tiyakin na mayroong mga International Commodities Clearance o ICC sticker ang mga ibinebentang christmas light at ganun din ang pagtitiyak ng DTI na walang makalulusot na pekeng ICC sticker sa mga ibinebentang pailaw.

Siniguro din ng BFP Cauayan na mas papaigtingin ang mas mabilis na pagresponde sa mga sakuna gaya ng sunog.

Facebook Comments