BAGONG FIRETRUCK SA LABING PITONG LGU SA BANSA, IPINAMAHAGI; ILANG BAYAN AT LUNGSOD SA REHIYON UNO, NAPAMAHAGIAN

Kabilang ang ilang bayan at lungsod sa Rehiyon uno sa pitongput apat na LGU sa bansa na napamahagian ng bagong firetruck bilang pagsulong ng DILG na makapagbigay ng dekalidad na serbisyo ang BFP at hindi maging isang epekto ang kakulangan sa kagamitan para makapagsagawa ng agarang responde at operasyon sa mamamayan.
Ayon kasi sa datos ng Bureau of Fire Protection, nasa higit anim naraang sunog ang kanilang naitala ngayon taon, aminado rin ang ahensya na dahil sa kakulangan ng kagamitan lalo ng sasakyan kaya naaapektuhan ang kanilang operasyon.
Kaya naman, isinagawa ang pamamahagi ng mga bagong firetruck sa higit pitongpung LGU sa bansa kabilang ang bayan ng Asingan, bayan ng Villasis para sa Pangasinan, bayan ng Bacnotan at Naguilian sa La Union at Vigan City Sa ilocos Sur.

Ang firetruck na ipinamahagi ay kaya magkarga ng nasa 3,800 litro ng tubig o tutumbas sa isanglibong gallon na malaki ang maitutulong sa operasyon lalo sa agarang pagresponde ng BFP sa tuwing may sunog o kahit anong sakuna na nangangailangan ng tubig. |ifmnews
Facebook Comments