ISANG PANGASINENSE ANG HINANGAAN SA KANYANG PINAGDAANAN BAGO MAKAMIT ANG PAGIGING LICENSED PROFESSIONAL TEACHER, KILALANIN

Hinahangaan ngayon si Jennifer Flores Ferrer na tubong Poblacion, San Fabian Pangasinan dahil sa kanyang sipag at tiyaga sa pangarap na maging licensed teacher. Likas sating mga Pinoy ang maging madiskarte sa buhay kung kaya’t si Jennifer na isang working student ay natupad na ang kaniyang isang goal sa kanyang buhay.
Kwento niya, siya ay isang iskolar at itinuloy pa rin ang kaniyang pagtatrabaho. Ang kaniyang inspirasyon ay ang pamilya niya lalo na ang kanyang mga magulang. Nagpursige siyang mag trabaho at makapagtapos upang masuklian ang bawat hirap na naranasan ng kaniyang magulang para sa kanya.
Ayon sa kanya, para sa lahat ng mga katulad niyang working student ngayon ay huwag kayong mawalan ng pag asa. Walang natatapos na pangarap sa taong hindi marunong magsikap.

Dagdag pa niya, ang kaniyang motto in life ay “there’s a stairway to success”. Ito man ay liko-liko o malubak, hindi ito hadlang upang mapagod at sumuko sa laban ng buhay. |ifmnews
Facebook Comments