Bagong fitness program, sisimulan sa PNP

Sinimulan ng Philippine National Police (PNP) ang bagong fitness program na naayon sa new normal lalo’t nanatili ang pandemya dahil sa COVID-19.

Ayon kay Outgoing PNP Chief General Camilo Cascolan, ang fitness program ay tinawag nilang PNP FIT o PNP Fitness Interval Time.

Layunin aniya ng fitness program na mabawasan ang epekto sa katawan ng matagal ng quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.


Sa ilalim ng bagong programa ang PNP FIT, isang minutong Modified Physical Exercises o 1MPE na gagawin araw-araw alas-10:00 ng umaga at alas-3:00 ng hapon.

Bukod pa sa apat na minutong Modified Physical Exercises o 4MPE na gagawin naman tuwing araw ng Martes at Huwebes alas-3:30 ng hapon sa lahat ng designates area na bawang PNP units o offices nationwide.

Ang exercises na ito ay binubuo ng iba’ ibang stretching exercises o mga basic movements.

Sinabi ni Cascolan makakatulong ito sa maayos na body heart rate, mabilis na metabolism, mapaganda ang blood circulation at mapalakas ang mga muscle.

Facebook Comments