BAGONG GAMIT | Mga gamit para sa mga pulis sa Marawi, ipapadala na sa susunod na buwan

Marawi City, Philippines – May mga bago ng gamit ang mga pulis na nakatalaga sa Marawi City.

Ito ang inihayag ni Police Director General Oscar Albayalde kasabay ng unang taong anibersaryo ng Marawi siege ngayong araw.

Ang mga ipapadalang gamit ay ipapalit sa mga nasirang kagamitan ng mga pulis sa lungsod sa pakikipagbakbakan sa mga Maute terrorist group.


Ayon kay Police Director Jose Victor Ramos ng Directorate for Logistics, dadalhin na lahat ang mga ito sa susunod na buwan.

Kinabibilangan ito ng mahigit na 300 mga Galil sub machine guns, limang truck, apat na Innova at tatlong patrol cars.

Ipinauubaya naman ni General Albayalde sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Peace and Order sa lugar.

Partikular na sa ‘ground zero’ ng sagupaan dahil sa dami pa rin ng mga hindi sumabog na bomba na kailangan nilang linisin.

Facebook Comments