Bagong graduate, patay matapos barilin ng tatay na pulis

17931
via Facebook

Nasawi ang isang 22-anyos na dalaga matapos barilin sa ulo ng sariling ama na isang pulis sa kanilang bahay sa Negros Oriental, nitong Linggo.

Kinilala ang biktima na si April May Ege na nito lamang Marso ay nakapagtapos ng Business Administration sa Negros Oriental State University.

Arestado naman ang kaniyang ama na si Police Staff Sergeant Levi Ege na nakatalaga sa mobile unit ng Dumaguete City police station.


Ayon sa imbestigasyon, nagkasagutan ang mag-ama nang umuwing lasing ang suspek at sinita ng biktima.

Bigla na lang daw bumunot ang ama ng baril at ipinutok sa ulo ng kanyang anak.

Sinabi naman ng kinakasama ng suspek na matagal na umano silang pinagbabantaan ng suspek, ngunit takot silang magreklamo.



Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek, na sasampahan ng pulisya ng reklamong administratibo at isasailalim sa drug test.

Facebook Comments