Memes ni Romina Mondragon, viral na rin

720
Image via Jay on Twitter

Bukod kay Daniela Mondragon, hindi na rin naiwasan na maisama si Romina sa memes na kumakalat sa social media.

Nitong nakaraang linggo, naglabas ng trailer ang Kadenang Ginto kung saan mapapanood ang ikatlong yugto ng kanilang kwento.


Nag-viral ang scene kung saan may hawak si Daniela na luggage na nakapulang lipstick at damit. Inedit ng mga netizen ito sa iba’t ibang lugar na nagtrending online.

Ngayon naman, ginawa na ring meme si Romina kung saan nakahiga ito. Suot naman niya ang isang gold na dress. Mayroon ding meme ang scene kung saan may dala-dala siyang box ng papeles. Inedit din siya sa iba’t ibang lugar o bagay.

 

Facebook Comments

From Advertisers