Bagong guidelines para maresolba ang isyu sa TNVS, ipapatupad

Nakatakdang magpatupad ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng bagong guidelines para maresolba ang mga isyu tungkol sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) applications.

Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra III, magpo-proseso sila ng aabot sa 1,000 TNVS franchise applications kada araw para sa verification at stamping ng temporary authority.

Maglalaan din sila ng dalawang Sabado bawat buwan para sa pagpoproseso ng aplikasyon.


Ang 90-day stamp para sa temporary authority ay ibibigay sa mga aplikante na naghain ng kanilang applications at sa mga nagpasa ng kanilang motion for extension para sa provisional authority mula Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Sa mga nagpasa ng kanilang applications nitong Hunyo, ang stamping ay magsisimula July 23.

Facebook Comments