Bagong guidelines sa Oplan Tokhang, mahigpit na ipinapatupad ng PNP-Maguindanao!

Involve ang komunidad sa pagpapatupad ng bagong mga alituntunin para sa pagpapatupad ng Oplan Tokhang nang ibinalik ang kapangyarihan sa PNP para ipatupad ang “war on drug” ng pamahalaan dahil na rin sa kakulangan sa personnel ng PDEA.
Ayon kay Maguindanao Provincial Police Office Dir. Sr. Supt. Agustine Tello, mismong ang komunidad ang kasama ng mga PULIS sa Maguindanao na nagsasagawa ng Tokhang partikular ang kaanak ng mga target ng Tokhangers, kasama din pati ang religious leaders.
Inihayag din ni Sr. Supt. Tello na alinsunod sa bagong guidelines, mahigpit nilang sinusunod pagbabawal ng pagkakasa ng ‘Oplan Tokhang’ sa gabi maging sa mga araw ng Sabado at Linggo, dapat naka uniporme ang mga pulis na magsasagawa ng ‘Tokhang’.

Facebook Comments