Bagong guidelines sa pagsusuot ng face shield, posibleng ilabas ngayong araw o bukas – MMDA

Posibleng ilabas na ngayong araw o bukas ang bagong panuntunan sa pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar sa bansa.

Kasunod ito ng anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan hindi na required na palaging suutin ang face shield kung lalabas ng tahanan.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, napirmahan na ang panuntunan at hinihintay na lang na ilabas ito sa publiko.


Ibinase naman ito sa payo ng mga medical experts kung saan nakapokus lamang sa 3Cs (closed, crowded or close-contact).

Inaasahang magiging malaking tulong naman sa local chief executives at barangays ang bagong panuntunan .

Facebook Comments