
CAUAYAN CITY – Natapos ng DPWH-Isabela 3rd District Engineering Office ang pagtatayo ng bagong multi-purpose building at pagsasaayos ng existing community center sa Barangay Daramuangan Sur, San Mateo, Isabela.
Ang bagong gusali ay kumpleto sa mahahalagang bahagi gaya ng pader at bubong, kongkretong framing, sahig, sistema ng tubig at kuryente – kaya’t angkop ito para sa iba’t ibang aktibidad at serbisyong barangay.
Habang ang lumang community center ay sumailalim sa pagsasaayos, kabilang ang pagpapalit ng bubong, at paglalagay ng panibagong steel columns at beams upang patibayin at mapahaba pa ang paggamit nito.
Ang proyekto, na nagkakahalaga ng ₱5.9 milyon mula sa 2024 General Appropriations Act, ay naglalayong magbigay ng ligtas at maayos na lugar para sa mga aktibidad at serbisyong pampubliko.
Ayon kay District Engineer Adonis A. Asis, ang mga pasilidad ay makatutulong sa pagpapaunlad ng lokal na serbisyo at partisipasyon ng mamamayan.









