Bagong Gusali ng All-Women City Mobile Force Company, Pinasinayaan

19

Cauayan City, Isabela- Pormal nang pinasinayaan ang bagong tayong gusali ng All-Women City Mobile Force Company (CMFC) na nakahanay sa Santiago City Police Office.

Pinangunahan ni PRO2 Regional Director PBGEN. Crizaldo O Nieves kasama sina Atty. Alyssa Sheena P. Tan, Representative, 4th District ng Isabela at City Mayor Joseph S Tan ang nasabing inagurasyon ng bagong gusali.

Inihayag naman ni PBGen. Nieves na ang halaga ng two-storey building ay pumelo sa mahigit P9 milyon at nasa kabuuang 200 square meters ang lupang kinatatayuan ng nasabing gusali at sinimulan ang konstruksiyon nito noong September 30, 2019 at natapos lamang nitong May 25, 2020.

Nagpasalamat din ang opisyal sa pamunuan ng DPWH Region 2 at Lokal na Pamahalaan ng Santiago dahil sa suporta makaraang makumpleto ang pagtatayo ng gusali.

Hinikayat naman nito ang LGUs, stakeholders, pribadong sektor maging ang komunidad na maghawak kamay para sa pagpapatupad ng kapayapaan sa komunidad.

Samantala, pinarangalan din ni PBGen. Nieves ang ilang piling PNP personnel matapos nitong igawad ang ‘Medalya ng Kagalingan’ sa kabila ng tagumpay sa operasyon ng Simultaneous Anti Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO).




Facebook Comments