Bagong Gusali ng BFP, Sinimulan Na!

City of Ilagan, Isabela – Kasalukuyan na ang pagpapagawa sa pangalawang yugto sa konstruksyon ng dalawang palapag na gusali ng BFP Ilagan.

Ayon kay Fire Senior Inspector Franklin Tabingo , Fire Marshall ng BFP Ilagan na mahigit sa anim na milyon ang pondo ng bagong gusali na mula sa Local Government Unit o LGU Ilagan.

Inaasahan umano na matatapos ang konstraksyon ng gusali bago matapos ang buwan ng September ngayong taon.


Iginiit pa ni Fire Marshall Tabingo na ang natapos nang phase 1 na bagong gusali ng City Fire Station ay mula sa pondo naman ng BFP na umabot sa 2-3 milyon.

Malaki ang pasasalamat ni FSI Tabingo dahil sa maari na umanong magkasya ang apat hanggang limang fire trucks maging ang bagong opisina at natupad na rin ang usapan sa pagitan ng BFP at LGU Ilagan.

Facebook Comments