Zumba Dance Fest, Handang Handa Na!

City of Ilagan – Handang handa na ang isasagawang Zumba Dance Fest na gaganapin sa City of Ilagan Sports Complex ngayong araw sa oras na alas syete ng gabi, May 19,2018.

Ayon kay ginoong Paul Bacungan,Public Information Officer ng city government ng Ilagan na isang linggong pinaghandaan ang zumba dance fest sa pangunguna ni Ilagan City Mayor Evelyn “Mudz” Diaz, PNP Ilagan, DefEd,BFP Ilagan, Patafa Officials at mga opisyal ng lahat ng barangay sa lungsod.

Sinabi pa ni Information Officer Bacungan na bago ang dance fest ay magkakaroon muna ng fun walk mula sa lumang kapitolyo sa Calamagui hanggang sa City of Ilagan Sports Complex.


Ang fun run ay magsisimula umano sa oras na ala sais ng hapon at kulay asul ang napagkaisahan na isusuot at wristband upang malaman agad ang bilang ng mga dadalo.

At inaasahan na lalahok ang bilang ng fun run sa inisyal na bilang na mahigit sa limang libong sasali sa zumba dance sa pangunguna ni International Zumba Master na si William Flores at iba pang dayuhan na makikiisa sa nasabing aktibidad.

Samantala dadaluhan din ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang dry run ng Zumba Dance Fest.

Facebook Comments