*Cauayan City, Isabela-* Inaasahang matatapos sa buwan ng Abril ang kasalukuyang ipinapatayo na bagong gusali ng Bureau of Jail Management and Penology ng Cauayan City.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Jail Inspector Johnlee Gumpal, assistant Jail Warden ng BJMP Cauayan, mayroong sampung malalaking selda ang ginagawang tatlong palapag na bagong gusali para sa 207 na mga natitirang Person’s Deprived of Liberty (PDL’s) ng naturang bilangguan.
Ito ay upang mabigyan ng sapat na espasyo ang mga PDL’s at maibsan ang siksikang selda.
Ayon pa kay Jail inspector Gumpal, karamihan sa mga nakakulong ay mga sangkot sa iligal na droga
Samantala, muling nagnegatibo sa droga ang pamunuan ng BJMP Cauayan matapos ang isinagawang Oplan Greyhound nitong nakaraang Linggo katuwang ang PDEA at sinisikap ng pamunuan na hindi na mauulit ang naunang pangyayari na nagpositibo ito sa droga makaraang makakita ng sachet ng shabu sa pasilyo ng naturang bilangguan.