BAGONG HISTORICAL TOUR CIRCUIT, INILUNSAD SA REGION 1

Inilunsad ng Department of Tourism ng Ilocos Region (DOT-1) at mga lokal na pamahalaan ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, at Ilocos Norte ang bagong historical tour circuit na naglalayong ipromote ang mayamang kultura ng rehiyon.

Ang proyekto ay mayroong guidebook at historical trail na naglalayon na magbigay ng kaalaman sa kasaysayan at palaganapin ang pagmamahal sa bayan, partikular sa mga kabataan.

Ayon kay Marissa Fangon ng Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU), naglalaman ng mga mahahalagang historical sites mula sa pre-Spanish na panahon, hanggang sa Spanish colonial era, pamumuno ng Amerika, World War II, at modernong kasaysayan ang anturang guidebook.

Sa pamamagitan ng mga lokal na tanggapan ng turismo, itinampok ang mga dambana, simbahan, monumento, at mga pook na itinuturing na national treasures, kabilang ang mga museo.

Ayon kay Evangeline Dadat ng DOT-1, ang proyekto ay hindi lamang tungkol sa pagpapalago ng turismo kundi ang pagpapalaganap ng pagmamalaki sa pagiging Pilipino lalo na sa panahon ngayon.

Inihayag naman ni Maria Luisa Elduayan ng Pangasinan Provincial Tourism and Cultural Affairs Office na magkakaroon ng pagkakataon ang mga lokalidad na makuha ang suporta sa pagpapayabong ng kanilang lokal na produkto o turismo para sa kanilang mga bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments