BAGONG HOST | Carmina Villarroel, napili bilang host ng TV show na iniwan ni Regine Velasquez

Manila, Philippines – “Magkaiba kaming dalawa”.

Ito ang naging pahayag ngayon ng TV host / actress na si Carmina Villarroel matapos siyang mapili bilang host ng iniwang daily weekend show ni Regine Velasquez.

Say ni Carmina, huwag daw siyang i-compare kay Regine dahil wala nang papalit pa sa nag-iisang songbird kung saan ang iniwan nitong show na may halong musical ay ni-reformat.


Thankful naman si Carmina dahil suportado daw ni Regine ang pagkakapili sa kaniya bilang host ng program at happy daw ito lalo na at sanay na siyang mag-host ng mga ganitong uri ng show.

Excited na din si Carmina dahil makakasama niya every Saturday sa program ang mga anak na sina Mavy at Cassy.

Facebook Comments