Bagong Human Species na nabuhay sa Pilipinas, natuklasan sa Callao Cave sa Cagayan

Isang panibagong Human Species na nabuhay sa Pilipinas ang natuklasan ng mga Archaeologists.

Natuklasan ang mga fossil bones at ngipin sa Callao Cave sa Peñablanca Cagayan na sinasabing pagmamay-ari ng mga sinaunang tao na Homo Luzonensis.

Sa pag-aaral na inilabas ng journal nature ang mga natagpuang fossil ay maaaring galing sa tatlong tao na nasa tatlo at kalahating talampakan ang taas.


Posible anilang namuhay ang mga ito nang 50,000 hanggang 67,000 taon na ang nakararaan.

Taong 2007, 2011 at 2015 pa natagpuan ang mga fossil pero ngayon lamang nailathala ang kanilang pag-aaral.

Facebook Comments