Bagong Iloilo City Police chief Jovie Espenido, may mensahe para kay Iloilo City Mayor Jed Mabilog

4918

Iloilo City – Maigsi pero malaman ang iniwang mensahe ng papasok na Iloilo City Police chief Jovie Espenido kay Mayor Jed Mabilog.

Nang matanong ng media, sinabi ni Espinido kay Mayor Mabilog- “regards”

Ayon kay Espenido – aalamin niya kung ano ang problema ng Iloilo, para magkaroon ng tyansa na mabigyan ng kapayapaan sa probinsya.


Nauna nang nadawit si Espenido sa kontrobersyal na pagkamatay ni Albuera Mayor Ronaldo Espinosa at Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, Sr.

Dati ibinulgar ni Pangulong Duterte, kasama sa narcolist ng mga politico si Mayor Mabilog.

Tinawag pa ni Duterte na “most shabulized city” ang Iloilo.



Sa eksklusibong interview ng RMN sinabi ni PNP chief dir. Gen. Bato Dela Rosa na bukas na uupo si Espenido sa Iloilo City.

Facebook Comments