RMN DWNX Listeners Sa Naga City, Nahuli, Nanalo ng P650 – sa RMN 65th Anniversary!!!

​Huli Ka!!! Maraming listeners ng DWNX Naga ang maswerteng nanalo ng P650 nang maabutang nakikinig sa kanilang nakasanayan ng estasyon ng radyo kanina lamang…-ang RMN DWNX!!!

Umaga pa lamang nang mag-ikot na sina Kasamang Paul Santos at Kasamang Ed Espiritu sa iba’t-ibang barangay ng Naga City at “nanghuli” ng mga die hard listeners ng DWNX…

Una sa mga “nahuli” ay sina… Antonio Bagadion at Josephine Medina ng Brgy. Tabuco…
Lumalagapak na 650 pesos ang masaya nilang napanalunan nang walang ka-abog-abog…


Ang pa-premyo ay bahagi ng RMN – Radio Mindanao Network, Radyo Mo Nationwide, Reaching Millions Nationwide 65th Anniversary!!!

Kami pong lahat na inyong mga kasamahan dito sa DWNX Naga, iisa po ang aming taus-pusong nais ipaabot sa inyo – mga mahal naming RMN DWNX Listeners… …kung wala po kayo simula pa noon…Wala rin po kami magpahanggang ngayon… Sa inyo pong lahat, —Maraming-maraming salamat po!!!…

Maraming iba pa ang inyong matutunghayan… abangan…



Facebook Comments