Bagong Implementing Rules and Regulations ng Anti-Distracted Driving Law, ipapatupad na bukas

Manila, Philippines – Ipapatupad na bukas, Hulyo-a sais ang bagong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10913 o Anti-Distracted Driving Law.

Sa ilalim ng bagong IRR, pwede nang maglagay ng electronic devices pero hindi ito dapat lumagpas nang apat na pulgada.

Gayunman, bawal pa ring gumamit ng cellphone ang mga nagmamaneho ng motorsiklo.


Bawal rin itong gamitin sa panonood ng pelikula, pagba-browse sa internet, paglalaro, paggamit ng calculator, pagtawag at pagte-text kahit naka-stop ang traffic light maliban na lamang kung emergency.

Hindi naman ipinagbabawal ang paglalagay ng mga rosaryo, crucifix, figurines, stickers at dashboard toys basta’t hindi ito makakasagabal sa pagmamaneho.

Sa sinumang lalabag ay papatawan ng limang libong piso para sa first offense, 10-libong piso sa second offense, 15-libong piso sa third offense at suspensyon ng driver’s license sa loob ng tatlong buwan.

At kapag hindi pa nadala 20-libong pisong multa at tuluyang pagkansela sa lisensya.

Matatandaang mayo a-bente tres nang ipatigil ang implementasyon ng adda matapos itong magdulot ng kalituhan sa mga motorista kung saan kada araw nadadagdagan ang mga bagay na ipinagbabawal sa ilalim ng batas.

Facebook Comments