Bagong kalihim ng DA, hiniling ng ilang senador na bigyan ng pagkakataon na mamuno at patunayan ang sarili

Umapela ang ilang mga senador na bigyan ng tsansa na patunayan ang sarili ng bagong talagang Kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Francisco Tiu Laurel Jr.

Hiling ni Senator Francis Tolentino, bigyan ng pagkakataon sa kaniyang tungkulin si Tiu-Laurel lalo’t nagmula rin ito sa industriya ng fisheries background.

Aniya, tanging panahon lamang din ang makapagsasabi kung ang naging desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na italaga si Tiu-Laurel bilang DA Secretary ay tamang desisyon o hindi.


Sinabi naman ni Senator Cynthia Villar na prerogative ng pangulo kung sinuman ang gusto niyang italaga sa kaniyang gabinete at dapat itong igalang ng lahat.

Hangad naman ni Senator JV Ejercito na magawang solusyunan ni Tiu-Laurel ang mga kumplikadong problema sa loob ng ahensya.

Umaasa siyang sa kabila ng pagiging established at matagumpay na negosyante, isang bilyonaryo at pinagkakatiwalaan ni PBBM, ay si Tiu-Laurel na ang tamang indibidwal na makareresolba sa problema sa importasyon sa agrikultura.

Facebook Comments