DMW, nagpadala na ng augmentation team sa Israel

Dumating na sa Israel ang augmentation team ng Department of Migrant Workers (DMW).

Ang naturang augmentation team ay tutulong sa Philippine Embassy sa Israel sa kanilang ongoing assistance operations sa mga Pilipino roon na apektado ng bakbakan ng Israel at Hamas militant group.

Kabilang sa pinadala ng DMW ay psychosocial counsellor na tutulong sa mental health needs ng Overseas Filipino Workers (OFWs).


Kailangan kasing isailalim ang OFWs sa post crisis counselling.

Samantala, dumating na rin sa Israel ang kapatid ng isang Pinay OFW na bumiyahe mula Pilipinas para alalayan ang kanyang kapatid na biktima ng giyera.

Facebook Comments