Bagong kasal sa Saranggani, kabayo ang bridal car at graduation music and wedding song

639
Screenshot via Facebook/Ellen Rose Juban Gascon

Simple pero unique ang kasalang naganap ng isang magkasintahan sa bayan ng Saranggani.

Imbes na bridal car, kabayo ang sinakyan ng bagong kasal. At ang kanilang wedding march – isang graduation music.

Kinilala ang magsing-irog na sina Syren at Romnick Condiman.


Kuwento ng uploader na si Ellen Rose Juban Gacon, kabayo lamang ang makakadaan sa kanilang lugar dahil malayo at matarik ang kalsada. Samantalang, ang available na tugtog sa mga oras na yun ay graduation march.

Dagdag pa niya, sumakay din ng motor ang dalawa upang makarating ng simbahan.

Para sa mag-asawang Condiman, maituturing pa rin itong dream come true wedding dahil sila ang itinakdang magsama sa hirap at ginhawa.



Kinagiliwan ng mahigit isang milyon netizens ang nasabing video.

Facebook Comments