VIRAL: Lalaki, binigyan ng P1,500 ang pasaherong buntis na manganganak

Image via Khen Pili on Facebook

Viral ang lalaking “good samaritan” kung saan ay tinulungan ang buntis na nagl-labor upang makapuntang hospital nitong Huwebes.

Sa Facebook post na ibinahagi ni Khen Pili, sinabi niyang nasa biyahe sila papuntang Lipa, Batangas nang mapansing umiiyak ang anak na babae ng pasaherong buntis sa loob ng jeep.

Binigyan ng lalaki ng P500 ang bata upang pangkain daw, kasama ng buntis ang asawa nito. Napansin naman ng mga pasahero na biglang nagl-labor na pala ang buntis na pasahero at binigyan naman niya ng P1,000 upang makarating ito sa hospital.


Ayon pa kay Khen, ibinigay din ng lalaki ang cellphone number nito sa mag-asawa at sinabing tawagin lamang siya kung kailangan pa nila ng tulong.

Umani naman ng papuri ito mula sa mga netizen sa kabutihang loob na ipinamalas nito.

Umabot naman sa 229,000 reactions, 1,200 comments at 56,000 shares.

Facebook Comments