Manila, Philippines – Nasa 859 na mga bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) ang naitala ng Department of Health sa buwan ng Hulyo, Mas mataas ito kung ikukumpara sa 854 na kasong naitala noong July 2017.
Base sa datos ng DOH, 31% ng bilang na ito ay naitala mula sa National Capital Region o katumbas ng 264 na kaso.
Kalahati naman sa bilang ng mga kasong ito (430 cases) ay mga nasa edad 25 – 34 years old. Habang 28% naman o katumabas ng 240 cases ay nasa edad 15-24 years old.
82% sa mga kasong ito ay nakuha ng mga pasyente sa pakikipagtalik ng lalaki sa kapwa lalaki.
Mula Enero hanggang Hulyo, nasa 6, 532 na kaso na ng HIV ang naitala ng DOH, kung saan 276 na ang nasawi.
Kaugnay nito, patuloy na nananawagan ang DOH sa mga pasyenteng may HIV na huwag mahiyang dumulog sa kanilang mga tanggapan upang maasistehan.