Bagong kaso ng COVID-19, bahagyang bumaba

Umabot lang ngayon sa 360 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Bahagya itong mababa kumpara sa naitala kahapon na 402 cases.

Bunsod nito, umabot na sa 2,836,803 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 11,083 rito ang aktibong kaso.


61 naman ang dagdag sa bilang ng mga namatay, pero mas mababa ito sa naitala na 184 kahapon.

Sa ngayon ay umabot na sa 50,341 ang kabuuang bilang ng nasawi sa virus sa bansa.

Nasa 519 naman ang panibagong gumaling sa sakit, mas mataas sa naitalang 509 kahapon.

Apat na laboratoryo ang hindi operational noong December 11 habang limang laboratoryo rin ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Documents Repository System.

Facebook Comments