Bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, bahagyang bumaba; mahigit 14K new recoveries, naitala ng DOH

Bahagyang bumaba ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa ngayong Martes.

Mula sa mahigit 18,000 bagong kaso kahapon, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 12,067 ngayong araw.

Mas marami naman ang bilang ng mga bagong gumaling sa sakit na nasa 14,565 habang 303 ang nadagdag sa mga nasawi.


Sa ngayon, nasa 1,869,691 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa pero 127,703 na lamang dito ang active cases.

Facebook Comments