PGH, hindi muna tatanggap ng mga pasyente sa kanilang emergency room

62

Inanunsyo ng Philippine General Hospital (PGH) na hindi muna sila tatanggap ng mga pasyente sa kanilang emergency room.

Ito ay dahil sa maraming COVID patients ngayon sa PGH ang nangangailangan ng intensive care.

Ayon sa PGH, hindi matutugunan ng kanilang health workers ang kalagayan ng kanilang mga pasyente kapag tumanggap pa sila ng mga bagong kaso.


Kakapusin din aniya sila ng medical frontliners kapag tumanggap pa sila ng mga pasyente.

Sa ngayon, mahigit 300 ang COVID patients na naka-confine sa PGH.

Facebook Comments