Bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba pa sa halos 500

59

Bumaba pa sa 425 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw.

Mas mababa ito sa naitalang 665 na kaso kahapon at pinakamababa simula noong July 2, 2020.

Dahil dito, sumampa na sa 2,832,734 ang confirmed cases ng COVID-19.


Bumaba rin ang aktibong kaso sa bansa sa 15,800.

Habang nadagdagan ng 909 ang mga gumaling kaya umabot na sa 2,768,389 ang total COVID-19 recoveries.

Umakyat naman sa 48,545 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 44 COVID-19 related deaths.



Sa tala ng Department of Health (DOH), apat na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Facebook Comments