Bagong Kautusan sa Pagbibigay ng Travel Pass, Ipinatupad sa Quirino

Cauayan City, Isabela- Ipinatupad na ang Executive Order No.8 na ipinalabas ni Governor Dax Cua na layong mabantayan ng maayos ang paglabas ng mga mamamayan sa probinsya ng Quirino habang sumasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lalawigan na nagsimula noong April 1 hanggang April 15, 2021.

Layon din ng ginawang hakbang ng Gobernador na mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 at maibaba ang bilang ng kaso sa lalawigan.

Batay sa EO ng Gobernador, inaatasan nito ang lahat ng mga alkalde na magbigay ng travel pass na hindi lalagpas sa itinakdang bilang ng magbibiyahe sa loob ng isang linggo.


Sa bayan ng Cabarroguis, 400 lamang ang papayagang lumabas; 150 sa Aglipay; 450 sa Diffun; 600 sa Maddela; 300 sa Nagtipunan at 210 sa Saguday.

Ang mga punong bayan ay maaari rin magpalabas ng travel pass nang hindi lalagpas sa limang porsiyento o 5% sa itinakdang bilang ng mga taong maaaring lumabas sa loob ng isang linggo sa mga pangyayaring hindi sinasadya o sa mga panahon ng kagipitan katulad ng pagpapagamot sa ibang lalawigan.

Kinakailangan din na ang mga kukuha ng travel pass ay may maibigay na Medical Clearance Certificate (MCC) mula sa Municipal Health Office at Quarantine Pass mula sa kanilang punongbarangay na ikakabit sa kanilang travel pass.

Facebook Comments