Bagong Kulungan, Sinimulan na ang Konstraksyon!

Cauayan City, Isabela – Sinisimulan na ang konstraksyon sa bagong kulungan ng BJMP Cauayan City  na may planong lagyan ng sampung silid para magkasya ang mga bilanggo ng lungsod.

Sinabi ni Jail Chief Inspector Atty Romeo Villante Jr. na magkakasya sa gagawing bagong silid ang mahigit sa dalawang  daan  na bilanggong mayroon ngayon ang BJMP Cauayan City.

Aniya ang nasabing proyekto ay pinundohan ng mahigit sa 15 milyong piso mula sa national  head quarters ng BJMP.


Ipinaliwanag pa ni Jail Warden Villante na may mga ilang bilanggo na nagtratrabaho sa konstraksyon dahil pinayagan naman umano ito ng regional office at mabibigyan naman sila ng tamang sahod sa kanilang trabaho.

Kinakalangan lamang umano ng masusing pagbabantay sa mga nagtratrabahong bilanggo upang hindi magkaroon ng problema dito.

Matatandaan na ang kasalukuyang bilangguan ng BJMP Cauayan City ay napakasikip para sa mahigit  dalawang daan na mga bilanggo.

Facebook Comments