Pormal na binuksan ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB) Region 1 ang bagong Regional Environmental Laboratory Building na matatagpuan sa Sevilla, San Fernando City, La Union.
Ang apat na palapag na pasilidad ay dinisenyo upang palakasin ang pagsusuri ng hangin at tubig, pagmonitor sa pagsunod sa pamantayan, at pagpapatupad ng batas pangkalikasan sa rehiyon.
Layunin nitong masiguro ang mahusay na serbisyo at mas mapabuti ang pangangalaga sa kalikasan.
Ayon sa tanggapan, ang proyekto ay bunga ng malakas na koordinasyon ng mga ahensya mula sa lupa ng Provincial Government at sa DPWH sa pondo para sa konstruksyon.
Inaasahang magpapalakas ang bagong pasilidad sa pagtatasa ng polusyon, habang tiniyak na ang kaunlaran ng rehiyon ay mananatiling responsible at makakalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










