LIBRENG CHEST X-RAY SA SUAL, UMARANGKADA BILANG KAMPANYA KONTRA TB

Dinaluhan ng mga residente ang isinagawang libreng Chest X-Ray sa bayan ng Sual kahapon Pebrero 11, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa tuberculosis (TB).

Ayon sa lokal na pamahalaan, tyansa ito upang maagang matukoy ang mga posibleng kaso ng TB at maagapan sa pagbibigay ng kaukulang medikasyon.

Kabilang sa mga lumahok ang senior citizens, tricycle drivers at iba pang residente na nais makapag pa-check-up.

Samantala, naging katuwang ng lokal na pamahalaan sa aktibidad ang Department of Health (DOH), Philippine Business for Social Progress (PBSP) at isang pribadong medical facility.

Ayon sa mga awtoridad, inilalapit na sa mga residente ang mga serbisyong medikal laban sa Tuberculosis sa pamamagitan ng maagang pagsusuri at agarang aksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments