BAGONG LEARNING FACILITIES PARA SA PAGKATUTO NG MGA ESTUDYANTE, PINALAKAS SA ISANG PAARALAN SA SAN NICOLAS

Mas pinagtibay ng Sta. Maria National High School sa San Nicolas ang kalidad ng kapaligiran para sa pag-aaral matapos ang pagkumpleto ng dalawang proyektong pang-imprastraktura na nakatuon hindi lamang sa seguridad kundi pati sa kaginhawaan ng mga mag-aaral.


Inilunsad ang 27-meter perimeter fence at roof shed na kapwa pinondohan sa ilalim ng Special Education Fund (SEF).


Bagama’t pangunahing layunin ng bakod ang pagpapatibay ng seguridad ng paaralan, nakikita rin itong hakbang upang mapanatili ang disiplina at kaayusan sa loob ng kampus para mas epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral.


Samantala, ang bagong tayong roof shed ay nagsisilbing karagdagang espasyo kung saan maaaring magpahinga at magsagawa ng iba’t ibang aktibidad ang mga estudyante nang protektado mula sa init at ulan. Dahil dito, mas nagiging komportable at maganda ang paaralan bilang lugar ng paghubog ng kaalaman.

Ang naturang inisyatiba na ito ay pagpapabuti ng pisikal na pasilidad ng paaralan na may direktang epekto sa kalidad ng pagkatuto at pangkalahatang karanasan ng mga mag-aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments