Wednesday, May 13, 2026

Ilang motorista sa Quezon City, ramdam na ramdam na ang bigat ng presyo ng langis sa bansa

Umaaray na ang mga tsuper at motorista sa Quezon City sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa, dulot ng nagpapatuloy na girian sa Middle East.

Ayon sa mga eksperto, pati na rin kay dating Department of Energy (DOE) Secretary Jericho Petilla, malabo nang bumalik sa P60 ang presyo ng diesel sa bansa kahit matapos ang gera sa Middles East.

Dahil umano ito sa mga nasirang imprastraktura at pasilidad sa Middle East na kailangan ayusin, hindi lang sa loob ng ilang araw o buwan, kundi taon.

Dahil dito, ilang tsuper na ang humihirit ng taas-pasahe.

Facebook Comments