Nakakikilabot ang isang pangyayari sa Zamboanga del Sur dahil isang malaking tanong pa rin para sa pamilya ng sanggol na yumao kung ano ang narinig nilang iyak mula sa pinaglibingan nito.
Batay sa ulat, pumanaw ang batang si James Encarnacion noong Sabado, Nob.2 dahil sa sakit na severe sepsis, aspiration pneumonia, at hypernatrimic dehydration at inilibing nitong Lunes, Nob.4.
Ngunit nang sumapit raw ang madaling araw, nakarinig ang mga kapitbahay ng iyak ng isang sanggol mula sa bakanteng lote kung saan inilibing si baby James.
Agad nila itong ipinagbigay-alam sa magulang ng bata at nang malaman, hindi nag-atubiling hukayin ng mag-asawa ang bangkay ng anak saka ito iniuwi.
Ayon sa kanila, walang amoy ang sanggol, walang pangingitim ng balat, at mayroon pang pintig ang puso.
Hindi naman kumbinsido ang alkalde ng lugar kaya nagpadala ito ng health unit para masuri ang sanggol.
Base sa obserbasyon ng public health nurse, isa ng malamig na bangkay ang bata, may bahagi ng katawan na nangingitim na at wala na rin umanong pulso.
Samantala, hindi pa rin malinaw kung paano nasabi ng mga kapitbahay ang naturang pag-iyak at pag-ungol ng bata.
Ibinalik naman sa paglibing ang sanggol nang mapatunayang wala na talaga itong buhay.