
Binuksan ng Ilocos Sur Provincial Jail ang bagong ISPJ Library kasabay ng pagdiriwang ng ika-11 anibersaryo nito.
Layunin ng pasilidad na magbigay ng oportunidad sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na ipagpatuloy ang pagkatuto habang nasa loob ng piitan.
Kasabay ng pagbubukas ay ang pagpapabasbas din ng bagong PDL Rehabilitation Center at ang pagpapakita ng bagong patrol car at mga nabiling armas bilang bahagi ng pagpapalakas ng operasyon ng kulungan.
Dinaluhan ang programa ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan bilang suporta sa mga inisyatiba ng lalawigan para sa reporma at rehabilitasyon.
Facebook Comments









